Writing Tip #32: How to Begin Writing a Story?


WHILE I'm in the midst of writing some stories, may mga taong nagtanong sa akin kaya naman napaisip ako. PAANO nga ba ako nagsusulat ng mga kwento? SAAN nga ba nanggagaling ang mga ideyang pumapasok sa aking isipan?

Well, ito kasi yung mga GINAGAWA ko. Ewan ko lang kung ganito rin ang ginagawa niyo. Ang maipapayo ko na lamang, kung wala talagang mapiga sa utak, huwag PILITIN. Pero kung gusto mo talaga at ayaw mong magpigil o ayaw alikabukin ang utak na kinakalawang, eto (in no particular order)

1. MAGBASA
👉 Nakakatulong ang pagbabasa sa pagbuo ng istorya. Oops! Hindi ko sinabing MANGGAYA ng plot ng iba. Ibig ko lang sabihin, humugot ng inspirasyon mula sa iba para makagawa ka ng kakaibang istorya.

2. HANAPIN KUNG SINO GAGANAP
👉 Ako kasi kinakailangan ko pang MAGHANAP sa kung sino ang gaganap. Sympre para malaman ko na “Oh si Suzy Bae nalang kasi mukhang innocent at pwede ring maging kontrabida on the other side.” yung mga tipong ganun? Para kasi ma-imagine ko talaga at madama ko mismo ung character nila.

3. MAGLIWALIW
👉 Gumawa ka muna ng mga BAGAY na walang kinalaman sa pagsusulat. Pampawala na rin ng pressure. Sa huli rin kasi, maraming inspiration ang makukuha sa pagliliwaliw. Just read Writing Tip #4 for more.

4. TITLE & BOOK COVER
👉 Sympre hindi ka makakagawa ng story kapag wala ka pang title. Once na NAKAGAWA ka na ng title, sympre kakailangan mo na ng book cover para mai-publish mo na ung story mo. Ako kasi ung taong hindi magpapublish ng story hangga't wala pang book cover at kinakailangan ko pa talagang magpagawa sa iba. Read Writing Tip #19 for more.

5. MAKIPAG-USAP SA KAPWA WRITER
👉 Sa pamamagitan ng pakikipagusap sa kanila, panigurado marami kang matututunan bagkus baka bigyan ka pa nila ng idea sa paggawa ng story. Hindi naman nila siguro iyon ipagdadamot sapagkat may mga sinusulat din silang kwento. GENEROUS naman sila sigurong tumulong sa mga kapwa nila manunulat. Try mo ring makipag-collaborate sa ibang writers, masaya pero matrabaho nga lang.

6. PLOT
👉 Nasabi ko na sa Writing Tip #3 na PAGISIPAN mong mabuti ang isasagawa mong plot dahil sa paggawa ng isang istorya, plot talaga ang pinakaimportante. Without your plot, hinding hindi mo maisasagawa ang istoryang gusto mong gawin.

Well, paano nga ba kung may nag-REQUEST ng story? Ito nalang ang masasabi ko.

Write for yourself, not for OTHERS. Write what's in your heart and mind, not because someone just asked you to do. Soon people will LOVE what you have created because they will know you just did it to express yourself. Remind yourself na hindi tayo dapat nagp-please ng tao. Do things because you want to, okay? Overall, you cannot please everyone. Been there and I've must say na nakaka-pressure kasi lalo ka lang mabablangko. Lalo ka lang mate-tense.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Writing Tip #14: Point of View

Author's Note:

Writing Tip #13: How to Write Good