Writing Tip #20: Writing a Prologue
KARAMIHAN sa atin ay gumagamit ng PROLOGUE o PROLOGO bilang simula ng kanilang istorya. Hindi talaga maipagkakaila na MARAMI talagang manunulat ang hindi gaanong naiintindihan ang layunin ng prologo.
Well, what is a prologue anyways? π According to our friend Wikipedia: a prologue or prolog is an opening to a story that establishes the setting ang gives background details, often some earlier story that ties into the main one, and other miscellaneous information.
Paano mo nga ba MALALAMAN kung tama ang iyong prologong ginawa? π€
1. Kailangan mong TANDAAN na bilang isang manunulat, ang iyong prologo ay maaaring mag-laman ng mga pangyayari bago nag-simula o humantong sa ganoong sitwasyon ang iyong mga karakter.
2. Maaari ring KUMUHA ka ng ilang mga eksena sa pagkabuuan ng iyong istorya sapagkat doon mo maipapakita ang kakalakasan ng iyong istorya.
3. Marami rin ang nakagagawa ng prologo sa pamamagitan ng TALASTASAN o kahit iyong simpleng mga pag-uusap lamang ng mga karakter roon mismo.
4. Pwede mo ring TANGGALIN ang kanilang mga usapan sa iyong gagawin ng prologo ngunit kakailanganin mong ipahayag ang mga nangyayari sa pamamagitan ng NAKAKAHINDIK at mabisang pag-sasalaysay ng isang sitwasyon o pangyayari.
Paano mo naman malalaman kung HINDI prologo ang iyong nagawa?
Kadalasan kasi ito ay nagtatapos sa isang patapos na mga litanya ng manunulat sa kaniyang sariling idipan at hindi sa talasalitaan o kahit ideya man lang ng karakter ang ilang prologo na hindi naman prologo ang dating. Sa madaling salita, MONOLOGUE ang iyong nagawa dahil sa tila puro quotes na lamang ang kanilang nababasa sa nilalaman mismo.
Ano nga ba ang KAHALAGAHAN ng prologo?
Mahalaga ang prologo sapagkat ito ang nagiging dahilan o pagmumulan ng ideya ng mga mambabasa sa mga maaari nilang matunghayan o mabasa sa mga susunod pang parte ng iyong istorya. Ito na yung parte na kung saan ay pwedeng maging GABAY sa mga nangyari na o mangyayari pa lamang sa loob ng iyong kwento. Kung hindi masusunod ng maayos ang ideya ng prologo, magkakaroon ito ng pagkukulang pagdating sa lakas. Ngunit huwag kalilimutan π na hindi mo kailangan ng prologong may mga patayan at halos tatlong kabanata na ang katumbas sa sobrang haba. Mas lalong hindi mo na KAILANGAN ng prologo na halos isaad mo na lahay ng mga mangyayari sa iyong istorya. SAPAT na lamang ang simpleng prologong makapag-bibigay ng kakaibang pakiramdam at saya o kahit na anong emosyon sa mga mambabasa.
Oo nga't ito ang tila pundasyon ng isang istorya ngunit hindi naman kaaya-aya kung sobrang ganda ng prologo at ang mga susunod na parte ng istorya ay mayroon na itong KATAMLAYAN, at hindi na nakakaakit na basahin ang mga istoryang naglalaman ng ganoong mga pangyayari.
Paano mas magiging EPEKTIBO at matibay ang pagsasagawa ng prologo?
Ang prologo kasi ay pinaka-mahalaga lalo na't ito ang simulang bahagi ng istorya. Kung ikaw ay isang manunulat ay magsisimula sa tagalog na salita, hayaan mong matapos din ang iyong prologo sa tagalog na salita. Kapag ingles naman ang iyong ginamit na salita, aba'y PANINDIGAN mo yan teh π Ibig sabihin na lamang ito na hangga't maaari, huwag nang gumamit ng mga balbal na salita kumg kaya para upang mas maging PORMAL ang magiging dati nito.
Kung ano lamang ang iyong ginamit na lenggwahe sa simula ng iyong kuwento, mas mainam kung gaanon na talaga ang lenggwaheng gagamitin mo hanggang sa magtapos ang unang parte upang maiwasan din ang pagkalito at iba pa π
Sobrang helpful nito para sa tulad kong begginer pa lang thank you so much po
ReplyDelete