Writing Tip #27: Demanding Readers
PARA sa akin, apat ang klasipikasyon ng mga DEMANDING READERS. Ang una riyan ay ang mga..
1. PASIMPLE
π Sila lang naman ung mga mambabasa na todo-todo kung maka-comment. Mala-nobela ang paglalahad nila ng kanilang mga saloobin tungkol sa update na nabasa nila. Kasama na rin dito ung way over the top ang PAGPURI sa akda. Pero huwag ka, sa dulo kasi may mababasa kang ganito:
“Ang ganda talaga ng IMDB! Ang galing galing mo talaga author, panigurado may kasunod pa ito.”
“Kinikilig talaga ako kina Jayden at Zyana. Kinikilig kasi ako sa chapter na ito kaya aabangan ko ang susunod na mangyayari.”
Oh hindi ba? Patatabain muna nila ang puso and/or pahahabain yung buhok ng author para sympre magkaroon ito ng MOTIVATION para makapag-update agad.
For me ha? Sila kasi ung pinakagusto kong uri ng demanding readers. Kadalasan din kasi, sila yung mga nakakachikahan ko sa comment box o di naman kaya nakakausap sa message board. Habang ang ilan naman ay naging friends ko na sila.
Aaminin ko rin na ganito akong klaseng reader. Sinasabi ko kasi kung ano talaga ung nararamdaman ko. O dahil likas talagang madaldal ako both in person and in the cyber world.
2. READER-OF-FEW WORDS
π Halimbawa na lamang:
“HAHAHAHAHA! Dami kong tawa. Update kana author.”
“Update na po please.”
“Ate/Koya, kailan ka po magaupdate?”
Personally, hindi ko na rin alam kung paano ko pa sila marereplyan sa comment box kaya madalas, pinasasalamatan ko nalang sila. Hindi ko rin ginagawa 'to dahil bitin naman kasi kapag “hahaha” lang ang sasabihin ko. Dahil wala na rin akong masabi sa kanila, move on na tayo.
3. MCARTHUR
π I shall return lang ang peg nila kapag hindi nagupdate si author sa loob ng dalawa o tatlong araw. Paulit ulit rin silang magpopost ng “UD! UD! UD!” well its either sa comment box o di naman kaya sa message board.
Kung minsan naman, ichachat pa talaga si author para mangulit. Hinding hindi nila tatantanin si author hanggang sa makapagupdate si author. Kung minsan kakapost lang nung bagong chapter, manghihingi na agad sila ng kasunod pa.
Oo may mga time na ganun din ako pero hindi naman ako SOBRANG demanding na ako pa talaga ang galit tulad ng susunod at huling uri ng demanding reader.
4. IRATE
π Pronounced as “ay-reyt” Ito ay kadalasang ginagamit sa uri ng trabaho kung saan malaki ang tsansang makasalamuha mo ang isang tao o customer na galit na dahil hindi SATISFIED sa service na ibinigay nung kumpanya.
Sa Watty, ito ay uri ng mambabasa na kinamumuhian ng karamihan ng mga manunulat. Bukod kasi sa sobrang demanding na akala mo mamamatay na pag di mo nagawang ipost ung susunod na chapter na kung minsan, aabot pa sa puntong babastusin nila ung author.
Madalas palang may evolution ang mga irate na readers. Dinadaan muna ang types 1-3 pero kapag nangulit na at wala ka paring update—sila pa yung nagagalit.
Example:
“Ano ba naman yan! Ang tagal naman nung susunod na chapter! Bitin na bitin na talaga ako! Mag-update kana! Now na, as in NGAYON na! Kapag hindi mo pa ito nagawa iupdate, hindi ko na ito babasahin itong IMDB!”
Talagang sila pa ang may ganang MAGALIT ehh, noh? Sila na nga lang nakikibasa ng kwento ehh, saka ganyan pa sila umasta. Ehh, ano naman ngayon kung hindi ma-update agad nung author yung story? As if namang kawalan kay author kung mababawasan siya ng isang taga-tangkikik hindi ba?
Oh well, still I am thankful dahil WALA pa naman akong mambabasa na ganito. Ang maipapayo ko na lamang sa mga mambabasang tulad ko:
KONTING CONSIDERATION LANG PO π
Hindi naman kasi masamang mag-demand pero do it in moderation naman. AYUSIN mo ang pakikiusap, at ilagay mo lugar ang pagdedemand. Well kung close kayo ni author, sige go! Pero kung hindi naman, aba! Mahiya ka naman teh.
Sabi rin ng mga ibang nag-ra-rant tungkol sa mga demanding readers, HINDI LANG naman kasi pagsusulat ang pinagkakaabalahan nila.
Dahil sympre mayroon rin silang kaniya kaniyang buhay—nagaaral, nagtatrabaho, may mabigat ng problema, etc. Buti lang din kasi sana kung may katumbas na pera sa bawat vote at comment per chapter diba? Panigurado na mabilis maga-update ang mga favorite authors natin. Kaso HINDI ehh at WALANG GANUN, kasi LIBRE nilang shi-ne-share ung mga kwentong nagagawa nila. Kawang-gawa inshort CHARITY.
Bagkus MAGPASALAMAT ka nalang sa kanila sapagkat nakakaisip sila ng magagandang mga kwento na sobrang kapank-panabik, at sinusubaybayan pa talaga natin. Dahil kung wala sila, aala tayong mababasa.
Huwag nating hahayaan na sa sobrang DEMANDING natin, tuluyan na silang mawalan ng ganang magsulat at umalis na lang ng Watty.
How To Make Money On Sports Betting
ReplyDeleteOnline sports betting is available for a whole host of US and European λ©μ΄νΌλ‘μΆμ₯λ§μ¬μ§ sports ΰΈ«ΰΈ²ΰΉΰΈิΰΈΰΈΰΈΰΈΰΉΰΈ₯ΰΈ์ betting markets. Some US states, ventureberg.com/ like Louisiana and New https://febcasino.com/review/merit-casino/ Jersey, allow