Writing Tip #28: Having the Characters
ANG mga CHARACTERS, sympre sila ang magiging bida, kontrabida, at supporting agents sa GAGAWIN mong story.
Well kung wala sila, wala ka ring kwentang WRITER. Kung gaano mo kamahal ang sarili mo, ganun mo rin mahalin ang mga characters mo dahil kahit characters lang sila, at sa fiction lang mababasa, may BUHAY sila at ikaw ang nagbigay nun sa kanila.
When you are naming characters:
1. NAME YOUR CHARACTER WITH AN EXISTING NAME
π Ang ibig kong sabihin, EXISTING NAMES yung mga pangalang kanani-paniwala at nage-exist sa mundong ibabaw.
2. USE UNCOMMON NAMES
π Gumamit ka ng mga pangalang oo sabihin na nating COMMON pero hindi naman mabantot. Tandaan mo rin na nasa MODERNONG panahon ka na at tigil-tigilan mo na ang ganyang kalokohan. Except for writing a story from the past or having a plot na sa SINAUNANG PANAHON pa tinake.
3. BE INSPIRED BY YOUR SURROUNDINGS
π Pwedeng-pwede kang ma-INSPIRE sa mga bagay na nasa paligid mo. Example nalang nagbalat ka ng kendi pero nahulog ito bago mo pa ito makain, why not name a character Maxx, Fres, or Sugus? Yung mga ganun, lahat ng nasa paligid mo pwede mong magamit kapag magbibigay ka ng pangalan.
4. BE UNIQUE
π Huwag ka ng gumamit ng mga pangalang nanggaling pa sa World War II. Instead be UNIQUE and have an OPEN MIND in choosing your character's names. Also make your characters' names REMARKABLE. Dapat kahit tapos na nilang basahin ang kwento, maiiwan sa mga isip nila ang pangalan nung bida.
For example:
Light Cassiopeia Valle, Dark Andromella Valle of Fearless Queen by Aila Monica. Lahat ng mga pangalan doon kasi sobrang unique. Mapapa-wow ka nalang dahil sa kakaibang pangalan ng mga characters niya.
5. EASY TO PRONOUNCED NAMES
π Ito na ang sasabihin ko sayo, kung ikaw mismo nabubulol na sa mga pangalan ng characters mo, PALITAN mo na. Sympre bilang isang considerate author, huwag mo hayaang mahirapan sila sa pangalan ni bida.
Again, be unique, but have an easy to pronounce name. Sila kasi ang TATATAK sa utak ng mga readers.
6. MUST BE RELATED TO CHARACTER'S PERSONALITY
π Ibase mo sa pagkatao ng characters mo ang pangalang ibibigay mo sa kanila. Siguraduhin mong kahit anong ugali pa meron sila, babagay parin ang pangalan sa pagkatao at ugali nila.
Like for example:
Zyana Min Park of It's My Diary, BITCH! Written by OrangeLover18 because her character there obviously was a btch.
7. MUST BE RELATED TO THE STORY GENRE
π Kung action at gangster related ang drama ng genre na mo, aba'y karapat-dapat silang bigyan ng SWABE at MABANGIS na pangalan. Yung tipong names na sa unang basa mo palang, alam mong nakakatakot na ang aurang bumabalot sa kanya at mapapatayo ang lahat ng bahahibo mo sa kaastigan. Kapag humor naman, pick a name that suits every scene and PERSONALITY of the character. Ganun, PAWER!
8. YOU CAN ARRANGE THE 26 ENGLISH ALPHABET LETTERS AND CREATE YOUR OWN CHARACTER NAME
π Ito kasi ang pinaka-effective sa lahat ng paraan sa PAMIMILI ng character names. Makasisiguro kang walang kapareha ang pangalan ng mga characters sa story mo. For me kasi, mas maganda kung gagamit ka ng mga exotic letters tulad ng V, Q, U, O, W, X, Y, at Z at pagbubuhu-buhulin mo ang mga letters hanggang sa makabuo ka ng isang KATANGGAP-TANGGAP at may kagandahang pangalan ng tauhan.
Iyan lang naman ang masasabi ko when it comes on NAMING your characters. Name your characters ACCORDINGLY and PROPERLY.
Comments
Post a Comment