Writing Tip #18: Title of your Story



AMININ mo man o hindi, ang TITLE o pamagat talaga ng ating istorya ang isa sa mga NAKAKAPUKAW ng atensyon ng mga readers o mambabasa ๐Ÿ˜Œ

Sino ba naman ang gugustuhing basahin ang istoryang may pamagat na: 'Ms Jejemon Meets Mr Gangster' kaysa sa istoryang may pamagat na Unrequited Love? ๐Ÿค” Sympre mas gugustuhin ng karamihan iyong may KAPANA-PANABIK na pamagat. Tipong mapapasabi sila ng:

โ€œWow! Bakit kaya ganun ung title ng storyโ€
โ€œPanigurado maganda ito title palang!โ€
โ€œBasahin ko kaya ito? Title palang kasi nadala na ako.โ€

Sa panahon kasi natin ngayon, kakaunti na lamang ang natutuea sa mga lumang-luma at gami na gamit na mga pamagat. Naka-DEPENDE ๐Ÿ’ parin naman kasi iyon sa nilalaman mismo ng istorya. Kung kaya't sa pamagat palang, may IKAKABOG โœจ na yan dapat.

Kailangan mong ISIPING MABUTI kung may kaugnayan ba ang iyong pamagat sa nilalaman sa iyong istorya. Bukod riyan, isipin mo rin ang magiging THEME o tema ng story mo. Hindi iyong may mailagay ka lang sa pamagat kasi gusto mo ng mai-post at mai-share online. #memapost ๐Ÿ˜

Huwag ka masyadong atat pagdating sa pag-iisip ng title mo. Actually it really takes time dear. EVERYTHING TAKES TIME. Huwag kang magmadali total hawak mo naman ang iyong oras at mahirap MAGSISI sa huli. Mahirap iyong kung kailan matagal na ang story mo, saka mo lang papalitan ang pamagat kasi kahit ikaw mismo na nagsulat iyon ay nauumay na rin ๐Ÿ˜–

Think about it CAREFULLY. Kahit sa gabi, bago ka man lang matulog, magmuni-muni ka muna. DAMHIN mo iyong mga pangyayaring gusto mong mailagay sa kwentong isusulat mo. Try to put yourself in that situation hanggang sa makaisip ka ng babagay na pamagat.

Of course mas mainam din kung mag-scroll at magbasa basa ka rin online pag may time ka naman. Tignan mo kapag kay kapareha ba ang iyong pamagat ng kwento mo. Kasi kapag mayroon, natural lang na dapat palitan mo kasi baka makasuhan ka pa ng PLAGIARISM niyan sige ka ๐Ÿ™„

Huwag mo masyadong gawing OA ung title na halos makabuo ka na ng isang PANGUNGUSAP. Where in ONE WORD title will already do. Mas nakakapag-bigay iyon ng CURIOSITY sa mga readers ๐Ÿ˜‰

Think about it twice, isa ka rin namang mambabasa hindi ba? ๐Ÿค” Isaalang-alang mo iyong feelings mo bilang READER. Panigurado makukuha mo rin ang tamang TIMPLA kapag mayroon ka ng nagawang PAMAGAT sa iyong kwento ๐Ÿ’ฏ

Comments

Popular posts from this blog

Writing Tip #14: Point of View

Author's Note:

Writing Tip #13: How to Write Good