Writing Tip #26: Chapter Cutting
ACTUALLY wala namang specific rule sa pagcu-cut ng mga eksena sa bawat kabanata. Pero mayroon akong mga suhestiyon sa kung paano nga ba mag-CUT ng isang scene and jump into another chapter.
1. END WITH A STATEMENT
π Yung parang CONCLUSION sa mga nangyari sa buong chapter na iyon. Hindi naman kailangan na mahaba ito na parang isang essay ang entry. Well, a single paragraph will already do.
Like for example: “Hindi ko naman kasi aakalain na lolokohin ako ni Dominic ng ganun ganun lang! Tao parin naman kasi ako ehh, nakararamdam at nasasaktan din ako! Sana sa umpisa palang hindi na ako nagpaloko sa gag*ng yun! Sobrang sakit ang dinala niya sa puso ko. Sobra na.”
2. YOU CAN CUT A SCENE USING A DIALOG
π Very efficient din kasi ito lalo na when it comes on heavy scenes. Kadalasan rin itong ginagamit ng isang author para MAMBITIN o maglagay ng KILIG FACTOR sa dulo ng isang chapter. Ito rin ang kadalasang nagpapa-excite sa mga readers para sympre basahin pa nila ang susunod pang kabanata.
Like for example: “Sino ka ba kasi? Palagi ka nalang tumatawag pero hindi mo naman magawang magpakilala? Ano hindi mo nanaman sasabihin kung sino ka? Sige ka papatayin ko na itong linya.” Akmang papatayin na sana ni Zyana ang tawag ngunit nabigla nalang ito sa kaniyang narinig.
“Ako lang naman yung naging savior mo. Ako lang naman yung taong nagpapatahan sayo sa tuwing iiyak ka kapag naaalala mo yung Dominic na iyon. Ako lang naman si Jayden Lee na parating andiyan parati sa tabi mo.”
Then, that was it. A conversation ending a chapter. Yung emotions na naramdaman ng mga characters, maaaring sa next chapters mo nalang i-broad iyon. What's important there is that sa conversation palang nila, INTENSE na ang atmosphere.
3. BE A CLIFF-HANGER
π Dapat matuto kang MAMBITIN. Huwag mong TANGGALIN ang excitement at pagtataka sa utak ng mga readers mo. Minsan kasi, ito yung nagpapataas ng INTRIGUING level ng isang kabanata. Pero hindi naman sa lahat ng chapter ehh, puro cliff-hangers ka nalang. Panigurado MAIINIS sayo ang mga readers mo kapag ganun ang ginawa mo.
Also learn to LIMIT your pabitin effect, hayaan mo rin silang mag-isip kung anong susunod na mangyayari at alamin kung ano nga ba talaga ang nangyari. LITUHIN mo silang LAHAT sa paraang NAIINTINDIHAN nila. Gets mo ba ang pinupunto ko? π
Ang pagcu-cut din kasi ng isang chapter ay talagang NAKADEPENDE sa author. Kung sa anong paraan niya gustong mambitin o magpakilig o magpa-apekto sa mga readers niya.
Hindi rin naman kasi sa lahat ng oras ay pantay-pantay ang pagkakahati ng bawat chapter. Merong maikli lang, mahaba, o sakto lang. Just be an EFFECTIVE WRITER in any way you want.
P.S
Sa mga naka-abot hanggang rito sa huli, panigurado nagtataka kayo kung bakit may book cover akong nilagay ngayon sa post ko. May mga nilagay ako diyan which is kinuha ko roon sa story ko na ang pamagat ay It's My Diary, BITCH! To be publish ONCE AGAIN in Wattpad. Sana mabasa niyo ang IMDB ☺ Fully REVISED na po ang nobela kong iyon kung mababasa nyo sa Watty.
Comments
Post a Comment