Writing Tip #23: Writing the Epilogue


WELL if you are going to create an ending, of course you must SATISFY the reader. Hindi mo kailangan ng bonggang ENDING. Kahit clichΓ© man yan or what, mapa-unique man niyan, o sobrang kakaiba basta't KAILANGAN ma-satisfy ung mga READERS mo.

Ikaw na ang bahala sa kung anong paraan mo tatapusin ung kwentong gagawin mo, but I should say that it must be as different as possible from other stories.

SATISFY THE READERS

Iyan lang kaisa-isang masasabi ko talaga about ending a story dahil isa yan sa mga nagpapaganda ng story mo. Also, just make sure na mapapa-WOW mo ng bonggang bongga ang mga mambabasa okay? Of course any type of ending will do.

Paalala ko lang na pwede kang mang-BITIN, pero hindi ka pwedeng MAG-IWAN ng napakaraming tanong sa utak ng readers, unless gagawahan mo ito ng sequel o book 2 or part two or whatever you call that thing. Dapat ang lahat ng tanong na nabuo sa ISIPAN pa lang ay masagot habang tumatakbo ang istorya. Sasagutin ng buong kwento ang mga tanong na iyan.

Inshort, huwag mong LITUHIN ang mga readers. Dapat IKAW mismo ay naintindihan at na-satisfy sa sarili mong ending.

Mga URI ng endings:

1. HAPPY ENDING
πŸ‘‰ Understood na ito. Alam na alam ng kahit na sinong writer kung ano ang happy ending. Lalo na kung dumaan ka sa pagkabata, ehh, kilala mo pa naman siguro ang mga prinsesang sinagip ng prinsipe at nagkaroon na sila ng tinatawag na HAPPILY EVER AFTER.

2. TRAGIC ENDING
πŸ‘‰ Like Romeo and Juliet. It's either MAMAMATAY ang isa, mamamatay ang dalawa, o di naman kaya pwede silang mamatay lahat. Ganun lang kasimple yun.

3. OPEN ENDING
πŸ‘‰ Ito ung mga ending na HINDI PA MASYADONG gamit. Pero ito rin ang ending na sa tingin ko ay pinaka-the best bukod sa tragic ending. Why open ending? Kasi dito, walang KASIGURADUHAN ang ending. Kadalasan kasi, conversation na ang huling bahagi nito. Hindi kasal, hindi sa hospital, hindi sa burol, o kahit na ano. In short, BITIN yun lang yun.

Comments

Popular posts from this blog

Writing Tip #14: Point of View

Author's Note:

Writing Tip #13: How to Write Good