Writing Tip #25: How to write One-shots


PAANO nga ba magsulat ng isang ONE-SHOT story?

1. ONE-SHOT IS ONE-SHOT
πŸ‘‰ Kapag sinabi nating one-shot, as in ONE SEAT READING lang ito. Ang ibig sabihin nun, hindi ka aabutin ng 10 minutes o higit ang pagbabasa mo.

Ang one-shot story is commonly SHORTER than a short story.

2. NOT TOO MANY CHARACTERS
πŸ‘‰ Same as not too many twists. Kaya nga one-shot lang. Hindi mo naman kasi pwedeng pagsama-samahin ang maraming TWISTS sa maikling kwento lamang.

Well I guess, gawa ka nalang ng on-going na story kung gusto mo ng maraming characters at maraming twists para naman hindi magkasabit-sabit ang utak ng mga readers mo. Suggest ko nalang siguro na tama na yung 3-4 characters. Yung bidang babae, bidang lalaki, at tig-isang kaibigan.

3. IT MUST BE BRIEF AND CONCISE BUT MEANINGFUL
πŸ‘‰ Sympre naman kahit maikli lang yang isusulat mo dapat mayroon parin itong SENSE. Dapat magagawa mong maiparamdam ang kahit dalawang klase ng emotions kung hindi man lahat.

4. STRAIGHT TO THE POINT
πŸ‘‰ Katulad nga nung sinabi sa kanta ni Nadine, “Huwag nang PALIGOY-LIGOY paligoy-ligoy pa.” okay? Beginning, climax, at ending. Ganun lang yun.

Oo MADALAS akong magsulat ng mga one-shot stories lalo na kapag wala akong magawa. Pero realtalk guys, karamihan sa mga stories ko ay puros one-shot talaga.

So that's it, nawa'y MAKATULONG ang binigay kong apat na tips sa kung paano nga ba makapagsusulat ng isang one-shot story.

Note: Kung hindi mo pa kayang magsulat ng isang nobela, magsimula ka muna sa pamamagitan ng pagsulat muna ng isang oneshot story. Diyan din kasi ako nagsimula dati πŸ˜‰

Comments

Popular posts from this blog

Writing Tip #14: Point of View

Author's Note:

Writing Tip #13: How to Write Good