Writing Tip #22: Avoiding Clichés



ISA ito sa mga kinaiinisan ng isang writer lalo na kapag nalaman mong mayroon kang KAPAREHO na plot. Oo panigurado NAGKATAON lang, pero sympre sa lahat ng oras hinding hindi mo talaga MAIIWASAN 🙅 ang pagsusulat ng cliché stories. Especially when the genre you chose is cliché itself.

Ito ang mga DAHILAN kung bakit nagiging CLICHÉ ang kwento mo:

1. SOBRA KANG NAINSPIRED
👉 Sa sobrang paghanga mo sa isang kwento, ikaw rin hindi mo na namamalayang nagagaya mo na pala ang writing style niya o ang ilang mga eksena sa kwento nito.

2. YOU ARE INFLUENCED BY YOUR SURROUNDINGS
👉 Ito ang kadalasang nangyayari. Naiimpluwensiyahan ka ng mga tao sa paligid mo. Katulad na lamang ng expressions na kapag lagi mo na itong naririnig, natural lang na magagaya mo na ito. Another thing that catches your influencial resistance ay yung mga USO sa ngayon. Kung kaya't nagiging cliché ang gawa mo kasi nakikisabay ka sa uso at darating sa puntong magkakapareho na kayo ng gawa.

3. YOUR GENRE ITSELF IS CLICHÉ
👉 Kasi kung ano ang ginagawa mo, yun naman ung mas mabenta para sa lipunan, ayun na ung GENRE na ginagamit mo. You better write what you think of. Hindi ung kung ano nalang ang magugustuhan nila, yun na ang gagamitin mo. Katulad nga nung sinabi ko sa Writing Tip #5: BE YOURSELF when it comes on writing. Oh wait! 😅 That's not only writing—because writing is EVERYTHING.

Heto naman ang mga PARAAN para MAIWASAN ang CLICHÉ STORIES:

1. READ MORE BOOKS IN DIFFERENT GENRE
👉 Tulad nga nung sinabi ko sa Writing Tip #2, magbasa basa pa kayo ng iba pang genres para mas lumawak pa ang imagination niyo kapag magsusulat na kayo ng isang istorya. Pwede mong paghalu-haluin ang iba't ibang magagandang scenes na nabasa mo doon, just don't COPY the complete thought—uso ang paraphrasing teh 😂

2. THINK OF TWISTY TWISTS
👉 Ikaw naman kung alam mong COMMON na huwag ng ilagay yun kumbaga think outside of the box. Gumawa ka na kung saan ay first time palang mababasa iyon ng isang reader at ikaw palang ang nakakagawa ng ganoong istorya. Overall, be ORIGINAL.

3. HUWAG KANG MAGSULAT KUNG ALAM NA NG READER MO ANG SUSUNOD NA MANGYAYARI
👉 Oh well, that only means na kapag na-figure out na nila ang twists mo, SUPER DUPER cliché na ang istorya mo.

4. WIDE IMAGINATION
👉 Of course bilang isang manunulat dapat lang talaga meron kang malawak na pag-iisip. Paghaluin mo lahat mga karanasan mo mismo at saka mo isabak sa imagination mo. You just have to MIXED all of your ideas to be able to create a UNIQUE story.

Comments

Popular posts from this blog

Writing Tip #14: Point of View

Author's Note:

Writing Tip #13: How to Write Good