Writing Tip #21: Having Commitment
MAHIRAP tumayo at maglakbay sa mahabang panahon kung wala kang COMMITMENT. Sapagkat kung wala ka ngang commitment kahit ni katiting, natural lang na hindi ka magtatagal sa larangan ng PAGSUSULAT ✍
Nakapakahalaga talaga na huwag kang panghinaan ng loob. Isipin mo mula sa una kung bakit ka nga ba magsusulat o nagsusulat para sa huli, mas mapalakas mo pa ang iyong fighting spirit mo.
Hindi kasi kanais-nais kung puro na lamang bad aura at negativity ang pumapalibot sa iyo sapagkat maaari itong magdala sayo ng kawalan—walang PATUTUNGUHAN, walang KASIGURADUHAN π
In our words, tulad nung sinabi ko sa Writing Tip #17—be CONFIDENT! Hindi rin talaga kasi maipagkakaila sa ating bansa na kapag baguhan ka pa lamang, panigurado ang tatatak sa isipan ng iyong kapwa mong manunulat ay π€
“Panigurado jejemon yan kasi baguhan pa lamang yan.”
“Walang alam yan pagdating sa pagsusulat.”
“Di yan magtatagal sa larangan ng pagsusulat.”
Ngunit HINDI iyon simbolo na HAHAYAAN mo na ang ibang mga tao na tapak-tapakan ka lang. Habang ikaw naman, ayun iindain mo nalang lahat ng kanilang mga pinagsasasabi sayo π
Tandaan mo na lahat ay nagsisimula sa IBABA π
Well it is IMPORTANT to trust your work and HAVING COMMITMENT with what have you done. Sapagkat kung puro simula ka lang talaga sa paggawa ng istorya o iyong puro prologue lang at introduction, malamang wala ka talagang matatapos. Inshort hanggang salita ka lang π£ speaking about that π
May ishe-share akong quotation na nanggaling sa Teen Clash (iDangs) na kung saan ay nasabi doon: “Words without actions are useless, while actions without words are confusing.”
Kung kaya't huwag kang hanggang SALITA lamang dapat mas lamang ang GAWA. Nararapat lang na ISAPUSO mo ang iyong ginagawa at LUMABAN lang nang LUMABAN πͺ (kahit di ka niya maipaglaban π) Hanggang sa darating ang panahon na PAHAHALAGAHAN mo na nang todo ang larangan na iyong pinasok at yun ay ang PAGSUSULAT ✍
Comments
Post a Comment