Writing Tip #10: Million of reads
ISA nga bang requirement ang pagkakaroon ng milyon-milyong reads para lang mai-publish ang isang istorya? 🤔 Well, I have two answers for that question: YES and NO 🙅
As of now kasi mapapansin din natin na kadalasan ng mga napa-publish ngayon ay puro mga sikat ng stories galing sa Wattpad. Usually minimum reads lamang nila ay nasa humigit isang milyon.
Bakit nga ba ganun? 🙄
Well, kailangan rin nating intindihin na ang publishing ay isang negosyo kung maituturing. Hindi naman siguro mamumuhunan o maglalabas ng pera ang isang publisher para lang malugi sila. Of course base rin sa nakikita ko ngayon, mas binibigyan nila ng pansin ang mga stories na tingin nila ay BEBENTA at hindi sila malulugi. Mas pinahahalagahan rin nila ang mga manunulat na sympre ay marami itong FOLLOWERS dahil siguradomg may MARKET na sila. I'm just being honest on this part sapagkat I myself hindi ko rin masisisi ang mga publishers dahil uulitin ko this is a matter of BUSINESS.
But also, masasabi ko rin sa iyo na hindi sa lahat ng pagkakataon ay mahalaga ang NUMBER OF READS. Mas mahalaga pa rin ang CONTENT ng story mo dahil kahit sampu or bente lang ang reads niyan pero nakita nilang KARAPAT-DAPAT naman itong i-publish—ipa-publish nila yan, trust me 😉
By the way, here's the list of some PUBLISHING HOUSES na nagpa-publish mg mga hindi sikat pero WORTH IT ma stories:
☑ Precious Hearts Romances
☑ PSICOM
☑ LIFEBOOKS
Oh ayan! Huwag mo ng problemahin ang number of reads na yan—bagkus magsulat ka na lamang ng isang istorya na paniguradong KAGIGILIWAN at mamahalin ng karamihan.
How to follow you? 😎😎😎
ReplyDelete