Writing Tip #3: Think about your Plot
I'M pretty sure kapag magsusulat ka itatanong mo sa iyong sarili na 🤔:
"Gasgas na ang plot ko, paano na ito?"
Oh well sa panahon kasi ngayon, halos lahat naman ng stories 📚 ay mayroong kamukha—halos lahat may similarities na.
Example nalang natin rito ang HUNGER GAMES TRILOGY, DIVERGENT SERIES, at THE MAZE RUNNER.
Kaya kung sakali man na didiscourage ka kasi feeling mo gasgas or luma na ang plot na naiisip—think about it! 🙄
Dito naman kasi sa Pilipinas 🇵🇭, usong-uso ang mga stories dito about gangsters, kabit, rags to riches story, arrange marriage, pangit na nagkagusto sa mayaman at poging lalaki na nainlove sa nerd, at kung ano ano pa.
Lahat ng mga aking nabanggit riyan ay kadalasang paulit ulit na pero kinakagat parin ng buong masa 👥 Proven and tested na kasi. Karamihan naman ng mga Pinoy kasi ay nagbabasa 📖 para maaliw at kahit sa panandaliang oras ay makalimutan nila ang mga pinoproblema nila at ang mga klaseng plot na ito ang hinahanap hanap nila.
Lagi mo ring tatandaan na kahit gasgas na ang plot na iyong gagamitin ay pwede mo pa naman itong bihisan para magmukhang bago ✨ Katulad na lamang ng bagong setting, bagong conflict at mas interesting na personality ng mga characters na gagamitin mo.
Overall nasa iyon na iyon kung paano mo bibigyan ng bagong timpla ang nakakaumay nang mga plot na hanggang ngayon ay bumebenta pa rin sa buong sanlibutan.
Ngunit kung ikaw ay isang manunulat na gustong magsulat ng kakaiba at unique na plot, okay na okay yan! 👍
Always remember that whenever you are writing a novel itself, always think about your plot 🤔 so that it would become plausible and if ever man na magsusulat ka naroon parin dapat ang elemento ng realism 💁
*clap* *clap*
ReplyDelete