Writing Tip #15: Story Ranking
PAGDATING sa Wattpad, hindi lagi mawawala ang pagkakaroon ng STORY RANKING. Ito ay kung saan malalaman ng lahat kung ano nga ba ang rank ng iyong isinulat na story.
Paano mo nga ba malalaman na kasama nga ang story mo sa RANKING? 🤔
Of course, unang sa lahat pumunta ka lang sa iyong profile at pangalawa tignan mo roon sa my PUBLISHED WORKS. Once na nakita mo ung story mo na kasama ito sa ranking, aba'y CONGRATULATIONS! 🎉
Halimbawa na lamang na nakita mo ung story mo na rank #742 ito sa GENRE na non-fiction. It means na pang-742 ung story mo sa genre na iyon, actually hanggang 1000 kasi ang ranking pero kung ayan na ang lumabas well congrats parin.
Sa pagkakaroon ng MATAAS na ranko, WATTPAD lamang ang nagdedecide niyan. Well, paano nga ba tumataas ang rank ng isang story?
Tumataas lamang ito kapag ang isang writer ay:
✔ PALAGING NAG-A-UPDATE
✔ PALAGING MADAMI ANG VOTES
✔ PALAGING MAY COMMENTS
higit sa lahat..
✔ MADAMI ANG READS NITO
I'm also here to share my experience about story ranking na kung saan ay nung October 6, 2017, hindi po sa nagmamayabang pero po kasi minsan nang naging #1 IN POETRY ang MGA TULA NI JILZ. Thankful ako kasi na-experience ko yun kahit papaano at nung mga oras na iyon sobra ang saya ko tila dinaig ko pa ang nanalo sa lotto 😂
PERO MAHALAGA BA TALAGA ANG PAGKAKAROON NG RANK?
For me kasi HINDI naman talaga, hindi basehan yan sa rank dear—CONTENT parin nung story mo ang mahalaga. Huwag mo masyadong i-pressure yang sarili mo 🙅 nang dahil lang sa rank na iyan.
Pero kasi dear ang mga readers na sa ngayon kapag sila na ay naghahanap ng story sa isang GENRE, of course maghahanap sila doon 🔎 sa may WHATS HOT na content at doon masasabi na lamang nila na:
“Maganda panigurado itong rank #1 kaya ito nalang ang babasahin ko.”
“Puro magaganda naman ung mga nasa top 10”
“Ay ito ang babasahin ko kasi madaming reads.”
Ganyan na ang kadalasang nasa isip ng mga readers sa NGAYON. Oops! Di ko nilalahat ha? Bato bato sa langit, matamaan ay huwag magalit.
Ang pagkakaroon ng rank ng story mo ay BONUS nalang iyon kasi kahit papaano nakita ng Wattpad na maganda ang iyong inilalathala na akda.
Bagkus na naisulat mo lahat ng iyong tunay na nararamdaman, naipakita at pinatunayan mo sa lahat ang iyong talento na siyang binigay ng Diyos ☝ mismo.
Comments
Post a Comment