Writing Tip #8: Writing a Novel
PAGDATING sa pagsusulat ng isang nobela, karamihan sa mga Wattpad writers ay mahilig magsulat ng napakahabang nobela. Habang ang iba ay umaabot ng ilang books o di naman kaya season ang isang istorya to the point na nakakasawa na 😪 parang siya..
Ang ibang mga manunulat naman ay ay mahilig ring maglagay ng napakaraming side characters to the point na nakakalimutan na lang sila bigla ng writer. Darating sa puntong hindi na sila mababanggit 🙅 as the story progress o di naman kaya ay sila ang mas nangingibabaw kumpara sa mga pangunahing tauhan.
I must say na buti nalang talaga hindi ako ganyan. Let me share my perspective to you 😅
Ako kasi ung taong tamad magsulat ng napakahabang nobela hahaha 😂 pero masipag magsulat ng one-shot stories 🤘
Actually kasi ang pinaka-ideal daw na nobela ay naglalaro lang sa 40-50 thousand words. Kumbaga sa ganyang kahaba na nobela, panigurado naman ay maiku-kwento mo na lahat ang mga KARAPAT DAPAT lang na ikwento 🙄
When you are writing a novel itself ✍, huwag mo nang ikwento lahat ng mga detalye sa buhay ng mga bida mo na tipong bawat galaw nila mula umaga hanggang gabi ay isusulat mo doon 🙄
Hindi lahat ng kanilang ginagawa ay kailangan mong isaad sa iyong istorya. In fact, leave something to your reader's imaginations and just write the essential things. Kung ano ang highlights ng story, mas makabubuti pa na iyon na lamang ang isulat mo.
Less character, much better 👍
Ayon kay Direk Joey Reyes ay madalas nagkakaroon ng problema ang pagsasalin ng isang libro para gawing pelikula 📽 Karaniwan pa nga ay kailangang magtapon/magtanggal ng napakaraming eksena mula sa librong iyon. Kung tutuusin din naman kasi, sa sobrang kapal ng libro na i-a-adapt bilang isang isang pelikula, magagawa pa kayang mailahad yun in just 70-90 minutes? HINDI!
Kung kaya't marami ang nadidismayang mga readers 😔 kapag napanuod na nila ang movie adaptation ng librong nabasa nila dahil:
✅ Maraming eksenang tinanggal
✅ May mga nabago
✅ May mga dinagdag na wala sa libro
Ngunit hindi talaga alam ng mga mambabasa na kailangan talagang magtanggal ng eksena para lang sumakto sa loob ng 90 minutes ang buong kwento.
Kaya kung ikaw, kung magsusulat ka lang rin aba'y simulan mo ng pag-aralan kung paano nga ba makakapagsulat ng isang kwento na hindi sobrang haba pero punong puno naman ito ng mga kapana-panabik na eksena—eksenang tiyak na tatatak sa iyong mga mambabasa. Malayo mo at ang libro mo na pala ang susunod na isa-pelikula balang are 😉
Comments
Post a Comment