Writing Tip #11: Copyright issues



MANY of them keep on asking me 🤔 about COPYRIGHT ISSUES for the past few months. Although lets say that I am not expert 🙅 when it comes on talking about this, but for now I will just give an insight about this topic so that the future writers would have a knowledge about this matter.

So, COPYRIGHT basically is all about the RIGHTS you have with a specific work of art. Kunware ang isang story na pinagpaguran mong gawin sa ilang buwan, once na nabili na sa 'yo ng isang publishing company, sa'yo pa ba ang rights, o kanila na? 🤔

Well of course depende parin yan. Spaagkat may mga publisher na bibilhin lang ang printing rights sayo para sila ang mag-PRINT, mag-MARKET, mag-DISTRIBUTE. Pero meron namang iba na mismong copyright na ang binabayaran sayo. Nakakatakot ung pangalawa kasi kapag sinabing COPYRIGHT NA MISMO ANG BIBILHIN NILA 💰, wala ka nang masyadong say sa story mo 🗣 although babayaran ka naman nila sympre based sa TALENT FEE at ROYALTY na napagkakasunduam ninyo.

Well what if kapag copyright na mismo ang binili ng publishing house sayo, ano ang mga pwedeng mangyari? 🙄

Of course unang una riyan ay sa KANILA na nakapangalan ang copyright ng book na usually ay makikita sa 2nd page ng book. Kapag nagkaroon ng movie adaptation or kahit simpleng translation lang ng book mo, sila na ang makikipag-NEGOTIATE nun at WALA KA NANG MAGAGAWA kundi um-OO nalang ng um-OO kaya sa huli, NO CHOICE ka na! 🙅 Tapos kunware ung book mo binabalak nilang gawan ng sequel, pwedeng pwede nila yan ipasulat ✍ or pagawa sa ibang WRITER kung ayaw mo since uulitin ko ASA KANILA NGA NAMAN ANG COPYRIGHT ✔ Aside sa sequel, pwede rin silang gumawa ng SPIN-OFF out of your NOVEL 📙

Paano naman kung copyrights ay sayo parin at ang printing rights lang ang meron sila? 🤔

I've must say na mas better ang ganitong set-up kasi sayo talaga nakapangalan ang book. Kung kaya't hindi sila maaaring gumawa ng sequel o nang isang spin-off without having first your CONSENT. Sympre kung nasa iyo ang copyrights at baka sakaling magkakaroon ito ng movie adaptation 🎬 o whatsoever, may masasabi ka sa mga nangyayari sa book mo mismo. Lagi ka rin nilang iko-consider because the right is truly YOURS 💁

Nakakalungkot lang kasi 😔 may mga writers na ang talino when it comes on making concepts when they are writing 📝, pero pagdating sa pagpipirma na ng kontrata di man lang nila BINABASA at INIINTINDI ng mabuti ang nakasaad roon. Basta't makapag-PUBLISH lang tapos na! Hindi nalang nila namamalayan, na sila na pala'y naisahan ng kompanyang kanilang pinasukan 😏

Well I hope that you as a future writer had learned something new for today—hoping that you would apply this in the near future 😉 still if you want to learn more regarding this content, mag-search ka rin sa kay kumpareng Google para kahit papaano mapalawak ang kaalaman mo ukol rito sa topic na ito.

Comments

Popular posts from this blog

Writing Tip #14: Point of View

Author's Note:

Writing Tip #13: How to Write Good