Writing Tip #16: Know your Mood
WHEN it comes on writing, you should also know your MOOD. Dapat alam mong pakiramdaman ung sarili mo 😌
Hindi ka naman siguro MANHID hindi ba? Hindi ka naman siguro katulad ng kras ko ehh, noh? 😂
Ganito kasi yun, kapag nakakapagsulat ng maayos ang isang writer sympre nasa mood yan—inspired ehh 😍 Mayroon siyang motivation kung kaya't ginaganahan itong magsulat. Inspired rin siya kasi feeling niya siguro related sila nung character sa story nito kaya ganun ang naging outcome.
Sa pagsusulat kasi kung wala ka sa mood, natural lang na di ka makakapagsulat ng maayos 🙅
Oo given na ung nakapagsulat ka pero CHAKA naman ang kalalabasan nito. Kumbaga PINILIT mo lang mo lang ung sarili mo sa isang bagay na hindi dapat ginawa.
I'm telling you guys, PAKIRAMDAMAN nyo po muna mga sarili nyo before kayo magsulat. Feel free na tanungin ang sarili nyo kung 🤔
“Feel ko nga bang magsulat ngayon?”
“Dapat nga ba akong magsulat?”
“Ipupush ko bang makapagsulat para lang may maiupdate?”
The last question means a LOT for me kasi kadalasan ayan ang tinatanong ko sa sarili ko kapag kaharap ko na ang laptop ko 💻
Yes, I've tried once na magsulat para lang may maiupdate ako nung araw na iyon pero it turns out na wala itong feels!
Apurado, rush, insambot, inshort minadali lang ang paggawa ng isang kabanata para lang may maiupdate #memapost 😏 kung minamadali kayo ng mga readers nyo, oh well sila nalang ang pagsulatan nyo 😊
Message ko lang rin sa mga readers na sana huwag nyong MADALIIN ang isang manunulat lalong lalo na sa pagupdate ng story dahil habang naghihintay lang kayo, inaalam rin namin kung asa mood nga ba kami magsulat ✍ or wala talaga. Yun lang naman, hindi ako galit pero mas galit ako sa mga DEMANDING 😊 mas nakakawala kasi lalo ng MOOD.
Comments
Post a Comment