Writing Tip #5: Just be Yourself!
WHENEVER you are writing a story itself—you just had to be yourself π
Sa pagsusulat naman oo nga't hindi nakikita ang pagmumukha mo pero sumasalamin din riyan sa mga akda mo kung totoo bang iyo o peke lamang. You don't π have to copy others style of writing—where in fact you can also create your own ✨
As a writer you must be a creative one—all you have to do is to create a personality behind your writings, MAGPAKATOTOO ka π
Kung ano ang mga pumapasok dyan sa isip mo isulat mo lang ✍ iexpress mo lang sa pamamagitan ng pagsulat dahil sa pagsusulat mo nalang masasabi ang lahat.
Yes! The reader will critize that but whats important is you are able to express your feelings through writing. Habang ang ibang mga author naman imbes na mag-EXPRESS ayun nagpapa-IMPRESS!
Wait, may itatanong ako sayo π€
Bakit ka nga ba nagsusulat? Dahil talento mo ito? Dahil gusto mo? Dahil trip mo lang? Dahil gusto mong kumita lang? Dahil gusto mong magexpress? O gusto mo lang talagang magpaimpress at magyabang?
Tandaan mo, isang magandang gawain ang pagsusulat kaya dapat lang talaga na magpakatotoo ka—magpakatotoo ka sa sarili mo. If you really love what you are doing just like writing, then you are enjoying it absolutely.
Oo nga't makakatanggap ka ng mga papuri mula sa mga readers mo, aba'y magpasalamat na lamang sa kanila sapagkat naipapahayag mo ang tunay mong damdamin sa pamamagitan ng iyong pagsusulat. Matuto kang magpasalamat sa mga readers mo dahil kung wala sila—wala kang maisusulat na akda at sa huli ay walang magbabasa ng iyong katha. Sympre mas matuto kang magpasalamat sa Diyos ☝ sapagkat nabibiyayaan ka ng talento sa pagsusulat.
Sa limang taon kong pagsusulat sa Wattpad ito ang natutunan kong kataga:
"We are not only writing to impress but also to express."
Hindi lang dapat tayo magpa-impress sa buong madla, huwag tayong magyabang tandaan mo parang gulong ang mundong kinatatayuan natin—minsan nasa itaas ka ⬆ minsan naman ay nasa ibaba ka ⬇
Bagkus gamitin natin ang mga natatanggap nating papuri bilang inspirasyon upang tayo'y makalikha tayo uli ng panibagong akda.
Comments
Post a Comment