Posts

Showing posts from 2017

Author's Note:

Image
“NAGSIMULA sa author's note, MAGTATAPOS din sa author's note.” Ito na po ang LAST post ko rito sa aking blog. Last posting na kasi namin ngayon (Oct 15) even though sinabi sa amin na pwede pa naming ipagpatuloy itong blog still—I'm going to END it here. Babalik na rin naman kasi ako sa Wattpad SOON πŸ˜‰ Unang una sa lahat gusto kong MAGPASALAMAT sa Diyos ☝ dahil binigyan Niya ako ng talento na kung saan ay ang pagsusulat. Finally! Nagawa ko na rin itong maibahagi sa lahat sa pamamagitan ng paggawa nitong blog na ito. Salamat rin sa mga SILENT readers ko dito, wala kasing nagcocomment pero salamat dahil vini-view nyo ung mga updates ko dito 😘 Actually, matagal ko na talagang balak magsulat about sa WRITING TIPS , salamat sa subject naming Empowerment Technologies dahil nagkaroon ako ng blog. Nang dahil sa pagkakaroon ng blog, nakapag-post ako ng maraming TIPS tungkol sa pagsusulat ✍ I was able to share my 5-year experience of being a writer in Wattpad. Dedic...

Writing Tip #31: Importance of an Antagonist

Image
COME to think of this, what is the ESSENCE and thrill of your story without having an antagonist? Do you think your story will come in reality without them? Well the answer is a big NO! It will NEVER be a beautiful story without it, it is the second most important part after the problem (Well antagonist are sometimes the problem itself) Antagonist, they are not INTERESTING if they are flawless. Of course all of us know that all people had flaws and no one is perfect. Kailangan mong masabi sa mga readers mo kung bakit siya ganun nang sa gayun ay hindi siya gaanong kasuklaman. Especially when your story's protagonist was acting like an antagonist to others (Like my story It's My Diary, BITCH!) 1. CREATE HIS/HER OWN LIFE πŸ‘‰ Make sure that you had build your villains and explain their lives and backgrounds PROPERLY . Also, you should treat them as a main character. 2. WHY IS HE/SHE BAD? WHAT IS HIS/HER REASON? πŸ‘‰ Everything has a REASON . Why do your antagonist be...

Writing Tip #30: Formal or Informal

Image
PAANO nga ba magsulat ng tama? Ang sagot lang naman ay walang MALING paraan ng pagsusulat. Ang sasabihin ko nalang ay kung paano magsulat ng naaayon sa GENRE o uri ng panitikan na isinisulat mo. Ganito kasi yan, mayroon tayong dalawang klase ng way of writing. Which is the FORMAL and the INFORMAL . 1. FORMAL WAY OF WRITING πŸ‘‰ Ito ung paraan ng pagsusulat na kung saan ay gumagamit ka ng malalalim na mga salita. Also this writing STYLE is best use in NON-FICTION genres. • Complex — Longer sentences are likely to be more PREVALENT in formal writing. Where each main point needs to be introduced, elaborated, and concluded. • Objective — State main points confidently and offer full support arguments. Where in a formal writing style only shows a limited range of emotions and AVOIDS emotive punctuations such as exclamation points, elipsis, and such., unless they are being cited from other source. • Full Words — No contractions should be used to simplify words. Abbrevia...

Writing Tip #29: Writing the Professional Way

Image
“A WRITER is a professional life-teller.” Nagkukwento ka kasi sa pamamaraan ng pagsusulat. Wala naman kasing tipikal na rules at instructions when it comes on writing. Ang masasabi ko lang, write the way you WANT it. Pero kasi kailangan mo ring maging PROFESSIONAL kahit pa sa online ka lang nagsusulat o nagbabasa. Tandaan mo, ilang oras ang ginugugol mo para lang mag-type, magpost, at mag-update. Ehh, kung magsusulat ka nalang rin, lubus-lubusin mo na ang professionalism. Sino ba naman kasi gustong magbasa ng gawa ng isang hindi professional hindi ba? Don't be too FORMAL regarding skills. Be YOURSELF and act the way who you really are. Pero pagdating naman sa pagsusulat, kahit anong edad ka man o kahit anong level ng IQ mo, kailangan mong matutong magsulat in a professional way. Well paano nga ba? 1. AVOID USING EXCESSIVE PUNCTUATION MARKS πŸ‘‰ Here are the following that mostly ay NAKAKASAWA na. “Zyanaaaaa!!!!! >.< Nasaan ka na baaaaa!!!” “Ano naman yaaa...

Writing Tip #28: Having the Characters

Image
ANG mga CHARACTERS , sympre sila ang magiging bida, kontrabida, at supporting agents sa GAGAWIN mong story. Well kung wala sila, wala ka ring kwentang WRITER . Kung gaano mo kamahal ang sarili mo, ganun mo rin mahalin ang mga characters mo dahil kahit characters lang sila, at sa fiction lang mababasa, may BUHAY sila at ikaw ang nagbigay nun sa kanila. When you are naming characters: 1. NAME YOUR CHARACTER WITH AN EXISTING NAME πŸ‘‰ Ang ibig kong sabihin, EXISTING NAMES yung mga pangalang kanani-paniwala at nage-exist sa mundong ibabaw. 2. USE UNCOMMON NAMES πŸ‘‰ Gumamit ka ng mga pangalang oo sabihin na nating COMMON pero hindi naman mabantot. Tandaan mo rin na nasa MODERNONG panahon ka na at tigil-tigilan mo na ang ganyang kalokohan. Except for writing a story from the past  or having a plot na sa SINAUNANG PANAHON pa tinake. 3. BE INSPIRED BY YOUR SURROUNDINGS πŸ‘‰ Pwedeng-pwede kang ma- INSPIRE sa mga bagay na nasa paligid mo. Example nalang nagbalat ka ng kend...

Writing Tip #27: Demanding Readers

Image
PARA sa akin, apat ang klasipikasyon ng mga DEMANDING READERS . Ang una riyan ay ang mga.. 1. PASIMPLE πŸ‘‰ Sila lang naman ung mga mambabasa na todo-todo kung maka-comment. Mala-nobela ang paglalahad nila ng kanilang mga saloobin tungkol sa update na nabasa nila. Kasama na rin dito ung way over the top ang PAGPURI sa akda. Pero huwag ka, sa dulo kasi may mababasa kang ganito: “Ang ganda talaga ng IMDB! Ang galing galing mo talaga author, panigurado may kasunod pa ito.” “Kinikilig talaga ako kina Jayden at Zyana. Kinikilig kasi ako sa chapter na ito kaya aabangan ko ang susunod na mangyayari.” Oh hindi ba? Patatabain muna nila ang puso and/or pahahabain yung buhok ng author para sympre magkaroon ito ng MOTIVATION para makapag-update agad. For me ha? Sila kasi ung pinakagusto kong uri ng demanding readers. Kadalasan din kasi, sila yung mga nakakachikahan ko sa comment box o di naman kaya nakakausap sa message board. Habang ang ilan naman ay naging friends ko na sila. Aa...

Writing Tip #26: Chapter Cutting

Image
ACTUALLY wala namang specific rule sa pagcu-cut ng mga eksena sa bawat kabanata. Pero mayroon akong mga suhestiyon sa kung paano nga ba mag- CUT ng isang scene and jump into another chapter. 1. END WITH A STATEMENT πŸ‘‰ Yung parang CONCLUSION sa mga nangyari sa buong chapter na iyon. Hindi naman kailangan na mahaba ito na parang isang essay ang entry. Well, a single paragraph will already do. Like for example: “Hindi ko naman kasi aakalain na lolokohin ako ni Dominic ng ganun ganun lang! Tao parin naman kasi ako ehh, nakararamdam at nasasaktan din ako! Sana sa umpisa palang hindi na ako nagpaloko sa gag*ng yun! Sobrang sakit ang dinala niya sa puso ko. Sobra na.” 2. YOU CAN CUT A SCENE USING A DIALOG πŸ‘‰ Very efficient din kasi ito lalo na when it comes on heavy scenes. Kadalasan rin itong ginagamit ng isang author para MAMBITIN o maglagay ng KILIG FACTOR sa dulo ng isang chapter. Ito rin ang kadalasang nagpapa-excite sa mga readers para sympre basahin pa nila ang susunod ...

Writing Tip #25: How to write One-shots

Image
PAANO nga ba magsulat ng isang ONE-SHOT story? 1. ONE-SHOT IS ONE-SHOT πŸ‘‰ Kapag sinabi nating one-shot, as in ONE SEAT READING lang ito. Ang ibig sabihin nun, hindi ka aabutin ng 10 minutes o higit ang pagbabasa mo. Ang one-shot story is commonly SHORTER than a short story. 2. NOT TOO MANY CHARACTERS πŸ‘‰ Same as not too many twists. Kaya nga one-shot lang. Hindi mo naman kasi pwedeng pagsama-samahin ang maraming TWISTS sa maikling kwento lamang. Well I guess, gawa ka nalang ng on-going na story kung gusto mo ng maraming characters at maraming twists para naman hindi magkasabit-sabit ang utak ng mga readers mo. Suggest ko nalang siguro na tama na yung 3-4 characters. Yung bidang babae, bidang lalaki, at tig-isang kaibigan. 3. IT MUST BE BRIEF AND CONCISE BUT MEANINGFUL πŸ‘‰ Sympre naman kahit maikli lang yang isusulat mo dapat mayroon parin itong SENSE . Dapat magagawa mong maiparamdam ang kahit dalawang klase ng emotions kung hindi man lahat. 4. STRAIGHT TO THE POIN...

Writing Tip #24: Giving Dedications

Image
ANG pagbibigay ng DEDICATIONS ay hindi BASTA-BASTANG bagay πŸ™… Hindi kasi porket sinabi ng isang reader mo na bigyan mo siya ng dedication ay TATANGGAPIN mo na agad iyon. Hindi ko naman sinasabi na IPAGDAMOT mo ang pisting dedication na yan pero masasabi kong napaka-espesyal ng isang DEDICATION . Mag-dedicate ka ng chapter sa isang tao kasi may NAITULONG siya sa paggawa mo ng istorya. O dahil naman na-inspire ka niya sa paggawa at may nagawa siyang maliit o malaking bagay na nagpa- IMPROVE sa pagsusulat mo ✍ Another thing, halimbawa ay isa siyang avid reader mo at walang mintis na nagvo-vote o nagco-comment sa mga updates mo. Then after that you can give him/her a dedication as a PAYMENT or TRIBUTE sa suportang ibinibigay niya sayo. Huwag na huwag kang mag-dedicate ng story sa isang tao dahil lang sa SIKAT siya or what. Halimbawa nalang natin si Denny also known as HaveYouSeenThisGirl. Oo aminado naman tayong lahat na sikat siya at talaga nga namang magaling siy...

Writing Tip #23: Writing the Epilogue

Image
WELL if you are going to create an ending, of course you must SATISFY the reader. Hindi mo kailangan ng bonggang ENDING . Kahit clichΓ© man yan or what, mapa-unique man niyan, o sobrang kakaiba basta't KAILANGAN ma-satisfy ung mga READERS mo. Ikaw na ang bahala sa kung anong paraan mo tatapusin ung kwentong gagawin mo, but I should say that it must be as different as possible from other stories. SATISFY THE READERS Iyan lang kaisa-isang masasabi ko talaga about ending a story dahil isa yan sa mga nagpapaganda ng story mo. Also, just make sure na mapapa- WOW mo ng bonggang bongga ang mga mambabasa okay? Of course any type of ending will do. Paalala ko lang na pwede kang mang- BITIN , pero hindi ka pwedeng MAG-IWAN ng napakaraming tanong sa utak ng readers, unless gagawahan mo ito ng sequel o book 2 or part two or whatever you call that thing. Dapat ang lahat ng tanong na nabuo sa ISIPAN pa lang ay masagot habang tumatakbo ang istorya. Sasagutin ng buong kwento ang mg...

Writing Tip #22: Avoiding ClichΓ©s

Image
ISA ito sa mga kinaiinisan ng isang writer lalo na kapag nalaman mong mayroon kang KAPAREHO na plot. Oo panigurado NAGKATAON lang, pero sympre sa lahat ng oras hinding hindi mo talaga MAIIWASAN πŸ™… ang pagsusulat ng clichΓ© stories. Especially when the genre you chose is clichΓ© itself. Ito ang mga DAHILAN kung bakit nagiging CLICHΓ‰ ang kwento mo: 1. SOBRA KANG NAINSPIRED πŸ‘‰ Sa sobrang paghanga mo sa isang kwento, ikaw rin hindi mo na namamalayang nagagaya mo na pala ang writing style niya o ang ilang mga eksena sa kwento nito. 2. YOU ARE INFLUENCED BY YOUR SURROUNDINGS πŸ‘‰ Ito ang kadalasang nangyayari. Naiimpluwensiyahan ka ng mga tao sa paligid mo. Katulad na lamang ng expressions na kapag lagi mo na itong naririnig, natural lang na magagaya mo na ito. Another thing that catches your influencial resistance ay yung mga USO sa ngayon. Kung kaya't nagiging clichΓ© ang gawa mo kasi nakikisabay ka sa uso at darating sa puntong magkakapareho na kayo ng gawa. 3. YOUR GEN...

Writing Tip #21: Having Commitment

Image
MAHIRAP tumayo at maglakbay sa mahabang panahon kung wala kang COMMITMENT . Sapagkat kung wala ka ngang commitment kahit ni katiting, natural lang na hindi ka magtatagal sa larangan ng PAGSUSULAT ✍ Nakapakahalaga talaga na huwag kang panghinaan ng loob. Isipin mo mula sa una kung bakit ka nga ba magsusulat o  nagsusulat para sa huli, mas mapalakas mo pa ang iyong fighting spirit mo. Hindi kasi kanais-nais kung puro na lamang bad aura at negativity ang pumapalibot sa iyo sapagkat maaari itong magdala sayo ng kawalan—walang PATUTUNGUHAN , walang KASIGURADUHAN πŸ™…  In our words, tulad nung sinabi ko sa Writing Tip #17—be CONFIDENT ! Hindi rin talaga kasi maipagkakaila sa ating bansa na kapag baguhan ka pa lamang, panigurado ang tatatak sa isipan ng iyong kapwa mong manunulat ay πŸ€” “Panigurado jejemon yan kasi baguhan pa lamang yan.” “Walang alam yan pagdating sa pagsusulat.” “Di yan magtatagal sa larangan ng pagsusulat.” Ngunit HINDI iyon simbolo na HAHAYAAN mo ...

Writing Tip #20: Writing a Prologue

Image
KARAMIHAN sa atin ay gumagamit ng PROLOGUE o PROLOGO bilang simula ng kanilang istorya. Hindi talaga maipagkakaila na MARAMI talagang  manunulat ang hindi gaanong naiintindihan ang layunin ng prologo. Well, what is a prologue anyways? πŸ™„ According to our friend Wikipedia: a prologue or prolog is an opening to a story that establishes the setting ang gives background details, often some earlier story that ties into the main one, and other miscellaneous information. Paano mo nga ba MALALAMAN kung tama ang iyong prologong ginawa? πŸ€” 1. Kailangan mong TANDAAN na bilang isang manunulat, ang iyong prologo ay maaaring mag-laman ng mga pangyayari bago nag-simula o humantong sa ganoong sitwasyon ang iyong mga karakter. 2. Maaari ring KUMUHA ka ng ilang mga eksena sa pagkabuuan ng iyong istorya sapagkat doon mo maipapakita ang kakalakasan ng iyong istorya. 3. Marami rin ang nakagagawa ng prologo sa pamamagitan ng TALASTASAN o kahit iyong simpleng mga pag-uusap lamang ng...

Writing Tip #19: Book Cover

Image
WHERE in reality, there are three common things that your STORY needs to have to HOOK the readers ATTENTION . The first one will be the TITLE , while the second one is the BOOK COVER , and last but not the least is the brief DESCRIPTION about how will your story will go. Kailangan nating tanggapin na oops! No offense ha? πŸ˜… Sino ba naman kasi ang magbabasa ng istoryang wala namang book cover? πŸ™„ Iyong tipong profile lang talaga ng wattpad user tapos iyong title lamang ang makikita mo? Yung book cover na parang Wattpad na mismo ang nag-provide. Well, there are several reasons of Wattpad writers that you'll always hear when someone pointed out the thing about their book covers na kung saan ay sasabihin nila: “Hindi naman ako nagsulat para lang magpa-fame. Basta't maexpress ko lang ang feelings ko sa story ko, kontento na ako doon.” Pero hanggang doon nalang ba talaga? Hindi mo ba talaga gusto na may iba't ibang taong makabasa ng istorya mo? πŸ€” Oh well, sino b...

Writing Tip #18: Title of your Story

Image
AMININ mo man o hindi, ang TITLE o pamagat talaga ng ating istorya ang isa sa mga NAKAKAPUKAW ng atensyon ng mga readers o mambabasa 😌 Sino ba naman ang gugustuhing basahin ang istoryang may pamagat na: 'Ms Jejemon Meets Mr Gangster' kaysa sa istoryang may pamagat na Unrequited Love ? πŸ€” Sympre mas gugustuhin ng karamihan iyong may KAPANA-PANABIK na pamagat. Tipong mapapasabi sila ng: “Wow! Bakit kaya ganun ung title ng story” “Panigurado maganda ito title palang!” “Basahin ko kaya ito? Title palang kasi nadala na ako.” Sa panahon kasi natin ngayon, kakaunti na lamang ang natutuea sa mga lumang-luma at gami na gamit na mga pamagat. Naka- DEPENDE πŸ’ parin naman kasi iyon sa nilalaman mismo ng istorya. Kung kaya't sa pamagat palang, may IKAKABOG ✨ na yan dapat. Kailangan mong ISIPING MABUTI kung may kaugnayan ba ang iyong pamagat sa nilalaman sa iyong istorya. Bukod riyan, isipin mo rin ang magiging THEME o tema ng story mo. Hindi iyong may mailagay ka l...

Writing Tip #17: Be Confident!

Image
AS all we know that being a WRITER will just start and end in writing your plot in a notebook and typing your whole story in any websites. Kapag nagsusulat ka o isa kang manunulat sa Wattpad, kailangan CONFIDENT ka. What does that mean anyway? πŸ€” Well you'll just be needing this three words: trust, belief, and faith. ✔ TRUST πŸ‘‰ Nararapat lamang na ikaw ay may tiwala sa iyong sarili, sa ginawa mo, sa story mo, sympre lalong lalo na sa Diyos. Let Him guide us all throughout and let His will be done. ✔ BELIEF & FAITH πŸ‘‰ Dito masusubok ang paniniwala at ang pananampalataya mo bilang isang indibidwal. You are not just going to write. Kung kaya't ang buong pagtitiwala at loob mo sa iyong akdang isasagawa ay kinakailangan. Sapagkat kapag naipost mo na ang iyong story online, 50:50 lamang ang PROBABILITY na mayroong magbabasa niyan at makaka-appreciate. Ang pagsusulat ✍ kasi parang SUGAL πŸƒ lang yan, kakailanganin mong tumaya at hintayin ang panahon na manalo ...

Writing Tip #16: Know your Mood

Image
WHEN it comes on writing, you should also know your MOOD . Dapat alam mong pakiramdaman ung sarili mo 😌 Hindi ka naman siguro MANHID hindi ba? Hindi ka naman siguro katulad ng kras ko ehh, noh? πŸ˜‚ Ganito kasi yun, kapag nakakapagsulat ng maayos ang isang writer sympre nasa mood yan—inspired ehh 😍 Mayroon siyang motivation kung kaya't ginaganahan itong magsulat. Inspired rin siya kasi feeling niya siguro related sila nung character sa story nito kaya ganun ang naging outcome. Sa pagsusulat kasi kung wala ka sa mood, natural lang na di ka makakapagsulat ng maayos πŸ™… Oo given na ung nakapagsulat ka pero CHAKA naman ang kalalabasan nito. Kumbaga PINILIT mo lang mo lang ung sarili mo sa isang bagay na hindi dapat ginawa. I'm telling you guys, PAKIRAMDAMAN nyo po muna mga sarili nyo before kayo magsulat. Feel free na tanungin ang sarili nyo kung πŸ€” “Feel ko nga bang magsulat ngayon?” “Dapat nga ba akong magsulat?” “Ipupush ko bang makapagsulat para lang may ma...

Writing Tip #15: Story Ranking

Image
PAGDATING sa Wattpad, hindi lagi mawawala ang pagkakaroon ng STORY RANKING . Ito ay kung saan malalaman ng lahat kung ano nga ba ang rank ng iyong isinulat na story. Paano mo nga ba malalaman na kasama nga ang story mo sa RANKING ? πŸ€” Of course, unang sa lahat pumunta ka lang sa iyong profile at pangalawa tignan mo roon sa my PUBLISHED WORKS . Once na nakita mo ung story mo na kasama ito sa ranking, aba'y CONGRATULATIONS ! πŸŽ‰ Halimbawa na lamang na nakita mo ung story mo na rank #742 ito sa GENRE na non-fiction. It means na pang-742 ung story mo sa genre na iyon, actually hanggang 1000 kasi ang ranking pero kung ayan na ang lumabas well congrats parin. Sa pagkakaroon ng MATAAS na ranko, WATTPAD lamang ang nagdedecide niyan. Well, paano nga ba tumataas ang rank ng isang story? Tumataas lamang ito kapag ang isang writer ay: ✔ PALAGING NAG-A-UPDATE ✔ PALAGING MADAMI ANG VOTES ✔ PALAGING MAY COMMENTS higit sa lahat.. ✔ MADAMI ANG READS NITO I'm also here to...

Writing Tip #14: Point of View

Image
IF you are going to write a story, of course merong POINT OF VIEW . Ano nga ba ang point of view or POV? πŸ€” Well, ang point of view ay kung sino ang character na nagsasalita or nagna-narrate sa isang particular na chapter. TWO types of POV lang naman ang ishe-share ko sa iyo since dalawa lang naman ang commonly used POV ng mga writers: ang 1st and 3rd POV. Ang FIRST POINT OF VIEW ay gumagamit ng mga salitang tulad ng: * ko * ako * siya Halimbawa: πŸ‘‰ Gusto KO siya pero alam ko namang hindi nya ako gusto. πŸ‘‰ AKO lang naman ang sinayang niya. πŸ‘‰ Hindi SIYA ang tunay kong kapatid! Habang ang THIRD PERSON POINT OF VIEW naman ay gumagamit ito ng mga salitang: * siya * niya * nito * ito Halimbawa: πŸ‘‰ Nalulungkot SIYA sapagkat hindi SIYA sinipot ni Jayden. πŸ‘‰ Mas mahal NIYA ang kaniyang sarili. πŸ‘‰ Napabusangot ITO sapagkat hindi niya gusto ang kanilang ulam. Reminder ko lang po πŸ˜… Always REMEMBER kapag 1st POV, parang NAGKU-KWENTO lang ang charact...

Writing Tip #13: How to Write Good

Image
WELL according to Jane Austin, “If a book is well writen, I always find it too short.” Which is really TRUE . Kapag nagbabasa ka ng magagandang nobela, nakakainis na nakakalungkot lang kapag nararamdaman mo ng palapit kana sa epilogue. Mostly na mga tanong ng readers ko sa akin: Paano nga ba makakapagsulat ng isang KWENTO ? πŸ€” How to write GOOD ? πŸ™„ Here I will be sharing 3 tips for you guys: 1. READ GOOD BOOKS πŸ“š THAT WAS WRITTEN BY GOOD WRITERS πŸ‘‰ Of course natural lang na dapat magbasa ka ng magandang istorya—hindi naman sa pagiging CHOOSY . Sadyang piliin mo lang muna ung mga story na kung saan ay likha ito ng mga magagaling na writer. Sympre ikaw as an author gugustuhin mong makapagsulat ng KAKAIBANG istorya hindi ba? Kung kaya't magbasa basa ka lang ng mga iba't ibang klaseng libro. 2. ALWAYS PRACTICE πŸ“ πŸ‘‰ I do believe in the saying that “Practice makes perfect” Ugaliin mo lang na SANAYIN yung sarili mo when it comes on writing. Inshort huwag kan...

Writing Tip #12: Use of Internet

Image
OF COURSE malaki ang naitutulong ng INTERNET sa isang manunulat ✍ Kung kaya't kapag hindi ka sure  sa isang bagay o di naman kaya ay kailangan mong mag-research para sa story na iyong ginagawa, aba'y isang click mo lang kay kumpareng GOOGLE tiyak mahahanap mo πŸ”Ž ang kasagutan sa iyong katanungan. Pero kadalasan, aminin rin nating lahat na nagiging SAGABAL rin ang internet pagdating sa pagsusulat. Halimbawa ko na lang ang sarili ko haha πŸ˜‚ mas matagal pa kasi ang iginugugol ko sa pag-pe-Facebook, Twitter, Instagram, panunuod ng mga videos ni Suzy Bae πŸ’• kumpara sa pagsusulat ko mismo. Oo nakaka-frustrate kung tutuusin pero realtalk ang hirap insantabi ang internet—lalo na kapag nagchat si kras 😍 Sympre ikaw naman rereplyan mo agad, palaban ka ehh iisipin mo your one step ahead of your competitors πŸ˜† Since dahil nga ina-acknowledge kong ito ang isa sa mga rason kung bakit mabagal akong magsulat sa ngayon dahil mayroon pa akong writers block pero still naka- SE...

Writing Tip #11: Copyright issues

Image
MANY of them keep on asking me πŸ€” about COPYRIGHT ISSUES for the past few months. Although lets say that I am not expert πŸ™… when it comes on talking about this, but for now I will just give an insight about this topic so that the future writers would have a knowledge about this matter. So, COPYRIGHT basically is all about the RIGHTS you have with a specific work of art. Kunware ang isang story na pinagpaguran mong gawin sa ilang buwan, once na nabili na sa 'yo ng isang publishing company, sa'yo pa ba ang rights, o kanila na? πŸ€” Well of course depende parin yan. Spaagkat may mga publisher na bibilhin lang ang printing rights sayo para sila ang mag- PRINT , mag- MARKET , mag- DISTRIBUTE . Pero meron namang iba na mismong copyright na ang binabayaran sayo. Nakakatakot ung pangalawa kasi kapag sinabing COPYRIGHT NA MISMO ANG BIBILHIN NILA πŸ’°, wala ka nang masyadong say sa story mo πŸ—£ although babayaran ka naman nila sympre based sa TALENT FEE at ROYALTY na napagkakasu...

Writing Tip #10: Million of reads

Image
ISA nga bang requirement ang pagkakaroon ng milyon-milyong reads para lang mai-publish ang isang istorya? πŸ€” Well, I have two answers for that question: YES and NO πŸ™… As of now kasi mapapansin din natin na kadalasan ng mga napa-publish ngayon ay puro mga sikat ng stories galing sa Wattpad. Usually minimum reads lamang nila ay nasa humigit isang milyon. Bakit nga ba ganun? πŸ™„ Well, kailangan rin nating intindihin na ang publishing ay isang negosyo kung maituturing. Hindi naman siguro mamumuhunan o maglalabas ng pera ang isang publisher para lang malugi sila. Of course base rin sa nakikita ko ngayon, mas binibigyan nila ng pansin ang mga stories na tingin nila ay BEBENTA at hindi sila malulugi. Mas pinahahalagahan rin nila ang mga manunulat na sympre ay marami itong FOLLOWERS dahil siguradomg may MARKET na sila. I'm just being honest on this part sapagkat I myself hindi ko rin masisisi ang mga publishers dahil uulitin ko this is a matter of BUSINESS . But also, masasab...

Writing Tip #9: Inserting some Emoticons

Image
MAY mga readers ako na nagtatanong kung okay nga lang ba na mag-insert ng emoticons kapag nagsusulat ✍ Well, ang sagot ko naman ay DEPENDE—depende sapagkat mayroon tayong dalawang uri ng pagsusulat: 1. Formal writing 2. Informal writing If you are writing using the formal writing, never use an emoticon. Well if you are writing such as poem, short story, novellete, script, or novel still never insert an emoticon with it, instead use only words for it πŸ‘ Lahat naman ng mga emoticons ay mayroong katumbas na salita hindi ba? πŸ™„ Example: πŸ‘‰ @_@ namilog ang kaniyang mga mata nung nakita niya ang resulta. πŸ‘‰ ^_^ ang saya ni Mikayla sa ngayon. πŸ‘‰ :D nginitian siya ng kaniyang crush. πŸ‘‰ -.- naningkit ang kaniyang mga mata. πŸ‘‰ :( nalulungkot nanaman si Zyana. Ngunit kung kayo lang naman ay magsusulat sa notebook, gagawa ng lsm (long sweet message), love letter, or mag-iiwan ng note para sa nanay nyo na ididikit mo sa ref nyo well, inserting some emoticons would not be a pr...

Writing Tip #8: Writing a Novel

Image
PAGDATING sa pagsusulat ng isang nobela, karamihan sa mga Wattpad writers ay mahilig magsulat ng napakahabang nobela. Habang ang iba ay umaabot ng ilang books o di naman kaya season ang isang istorya to the point na nakakasawa na πŸ˜ͺ  parang siya.. Ang ibang mga manunulat naman ay ay mahilig ring maglagay ng napakaraming side characters to the point na nakakalimutan na lang sila bigla ng writer. Darating sa puntong hindi na sila mababanggit πŸ™… as the story progress o di naman kaya ay sila ang mas nangingibabaw kumpara sa mga pangunahing tauhan. I must say na buti nalang talaga hindi ako ganyan. Let me share my perspective to you πŸ˜… Ako kasi ung taong tamad magsulat ng napakahabang nobela hahaha πŸ˜‚ pero masipag magsulat ng one-shot stories 🀘 Actually kasi ang pinaka-ideal daw na nobela ay naglalaro lang sa 40-50 thousand words. Kumbaga sa ganyang kahaba na nobela, panigurado naman ay maiku-kwento mo na lahat ang mga KARAPAT DAPAT lang na ikwento πŸ™„ When you are writin...

Writing Tip #7: Why are you Writing?

Image
HINDI naman talaga kasi nakakayaman ang pagsusulat πŸ™… minsan nga gutom pa ang aabutin mo kasi minsan kahit nalilipasan ka na ng gutom sige! PUSH KA PARIN SA PAGSUSULAT πŸ“ Pero still its up to you kung gusto mong makainspire ng ibang mga tao dyan, ang pagiging writer kasi ay isang mabisang paraan para ma-achieve ang bagay na iyan. Kasi sympre nang dahil sa mga gawa mo—maiinspire mo ung taong magbabasa niyan. Of course mayroong iba't ibang dahilan ng mga manunulat kung bakit nga ba sila nagsusulat ✍ May mga writer lang naman kasi na nagsusulat para: ✔ kumita ✔ sumikat ✔ mangopya/mag-plagiarize ✔ wala talagang maisip na gawin sa buhay kundi magsulat ✔ or trip mo lang talaga magsulat? Kahit na estudyante pa lamang ako na nagaaral mabuti kahit papaano still, nagagawa ko parin ang hilig ko kapag mayroon akong oras/free time. I still get to manage my time kahit medyo busy ako dahil HUMSS "lang" naman ang kinuha kong strand. Well, at least I'm happy 😊 ...

Writing Tip #6: Don't Plagiarize

Image
DO you still remember Cheon Song Yi's scene in My Love From Another Star? πŸ€” Where she considers herself that she was the one who makes her essay—but it turns out that Professor Do finds out that she only copied and plagiarized someones work πŸ“ Also being a writer—you must not πŸ™… plagiarize others work because just like what other says, plagiarism is a CRIME ⚠ Sa paglikha ng isang istorya πŸ“– natural lang na dapat mayroon ka yung tinatawag nilang ORIGINALITY . Paniguradonaman na madidismaya ka πŸ˜” kapag alam mo sa sarili mo na hindi ikaw ang may likha nun kasi darating sa punto na kakatok ang konsensya sayo at malalaman mong mali ang nagawa mo. Bakit ka nga ba nagsusulat? ✍ Bakit, para makakopya ka ng mga ideya sa iba pang mga manunulat? Ikauunlad na ba ng Pilipinas πŸ‡΅πŸ‡­ yan? Ikasisikat mo ba ba iyan? 😏 Ay oo! Sisikat ka nga pala pero bilang isang PLAGIARIZER πŸ‘ Well come to think of it na dugo't pawis ang inilalaan ng manunulat na iyon para makagawa lang ito ng...

Writing Tip #5: Just be Yourself!

Image
WHENEVER you are writing a story itself—you just had to be yourself πŸ’ Sa pagsusulat naman oo nga't hindi nakikita ang pagmumukha mo pero sumasalamin din riyan sa mga akda mo kung totoo bang iyo o peke lamang. You don't πŸ™… have to copy others style of writing—where in fact you can also create your own ✨ As a writer you must be a creative one—all you have to do is to create a personality behind your writings, MAGPAKATOTOO ka πŸ™„ Kung ano ang mga pumapasok dyan sa isip mo isulat mo lang ✍ iexpress mo lang sa pamamagitan ng pagsulat dahil sa pagsusulat mo nalang masasabi ang lahat. Yes! The reader will critize that but whats important is you are able to express your feelings through writing. Habang ang ibang mga author naman imbes na mag- EXPRESS ayun nagpapa- IMPRESS ! Wait, may itatanong ako sayo πŸ€” Bakit ka nga ba nagsusulat? Dahil talento mo ito? Dahil gusto mo? Dahil trip mo lang? Dahil gusto mong kumita lang? Dahil gusto mong magexpress? O gusto mo lang tala...

Writing Tip #4: Defeating Writers Block

Image
OFCOURSE as a writer given na marami ka nang naisulat ✍ at nai-publish na mga stories πŸ“š sa Wattpad pero hindi diyan πŸ™… nagtatapos ang lahat! Bilang isang manunulat paniguradong mararanasan mo ring magkaroon na tinatawag nilang WRITERS BLOCK. So what is a WRITERS BLOCK anyway? πŸ€” Well, writers block is a condition, primarily that is associated with writing, in which the author loses the ability to produce new work, or experiences a creative shutdown . Well it simply explains there na kung saan ay kapag nagkaroon ng isang writers block ang isang manunulat ay hindi na ito nakakapagsulat ng panibagong nitong akda. Darating din sa puntong hindi gagana ang malikhain nitong pag-iisip πŸ’­ ng mga concepts dahil sa pagkakaroon ng writers block. Meron rin akong ilang TIPS na ibabahagi kung paano nga ba maiibsan ang WRITERS BLOCK πŸ˜… 1. DON'T WRITE πŸ™…✍ πŸ‘‰ Panigurado mas mafu-frustrate ka lang kapag pipilitin mong magsulat. Kapag ayaw makisama ng utak mo huwag ng ipagpilitan ...

Writing Tip #3: Think about your Plot

Image
I'M pretty sure kapag magsusulat ka itatanong mo sa iyong sarili na πŸ€”: "Gasgas na ang plot ko, paano na ito?" Oh well sa panahon kasi ngayon, halos lahat naman ng stories πŸ“š ay mayroong kamukha—halos lahat may similarities na. Example nalang natin rito ang HUNGER GAMES TRILOGY, DIVERGENT SERIES, at THE MAZE RUNNER . Kaya kung sakali man na didiscourage ka kasi feeling mo gasgas or luma na ang plot na naiisip—think about it! πŸ™„ Dito naman kasi sa Pilipinas πŸ‡΅πŸ‡­, usong-uso ang mga stories dito about gangsters, kabit, rags to riches story, arrange marriage, pangit na nagkagusto sa mayaman at poging lalaki na nainlove sa nerd, at kung ano ano pa. Lahat ng mga aking nabanggit riyan ay kadalasang paulit ulit na pero kinakagat parin ng buong masa πŸ‘₯ Proven and tested na kasi. Karamihan naman ng mga Pinoy kasi ay nagbabasa πŸ“– para maaliw at kahit sa panandaliang oras ay makalimutan nila ang mga pinoproblema nila at ang mga klaseng plot na ito ang hinahanap hana...